Monday, July 25, 2016

Dear Virtual Diary | Paranoia


This is another re-blog from my old Tumblr 2013 post.

Here it goes...


(n) This is a thought process believed to be heavily influenced by anxiety or fear, often to the point of irrationality and delusion. Paranoid thinking typically includes persecutory beliefs, or beliefs of conspiracy concerning a perceived threat towards oneself. 


I am really paranoid. 

Hindi ako maka-get over sa nagawa kong kapalpakan. 
Lagi itong pumapasok sa aking isipan,
at malauna'y parang kumokontrol na sa aking pagkatao. 
Mahirap;
Minsan napapasigaw na lang ako, 
O napapa-aray. 
Oh diba? Loka loka na; 
Siguro, marahil lamang ito sa kapaguran at pressure – 
Syempre fourth year na ako at director pa paminsan-minsan. 
Ang hirap nga e – 
Mahirap mag magaling kapag hindi ka naman magaling; 
Mahirap ipakita sa kanila kung ano ang meron ka dahil wala naman talaga; 
Minsan nga naiisip ko: 
kung tigilan ko na lang kaya ito? 
Kung magbago na lang kaya ako? 
Yung pag-mulat ko, iba na ako:
Tahimik, di na nag-rerecite at wala nang imik. 
Akala kasi nila masaya lagi si Paula: 
walang problema, puro tawa,
at ngiti lang pero mahirap pala. 
Mahirap panatilihing ngiti lamang ang laman ng mukha. 
Mahirap maging ako. 
Pero naiisip ko minsan, hindi naman siguro. 
Nasa isip ko lang lahat ng mga ito. 
Matatapos din ito. 
Sana nga tama ang sinasabi ng utak ko.

No comments:

Post a Comment