Re-Blogged From My Old Tumblr Account |
This one was written when I was in my Freshmen year.
It is sad that I have been tormented by the pain that I caused to someone else.
Believe me, it hurt me as much as it hurt you.
So, here it goes...
11:11PM | Sa mga ganitong oras…
Marami nang napasok sa isipan ko,
Pero may isang bagay na talagang ayaw akong palayain.
Gabi-gabi, hindi ako nilulubayan ng taong nasa loob ng isip ko.
Laging pinamumuka sakin lahat ng masamang bagay na nagawa ko;
Lalo na sa isang partikular na tao.
Sabi ng utak ko:
“Baka kaya walang magmahal sayo ng tapat –
Baka dahil sinaktan mo na kasi ng sobra
ang nag iisang taong pwedeng magmahal sayo ng totoo.”
Sabi ng utak ko,
Wag na daw akong umasa;
Wala na raw talagang magmamahal,
at tatanggap sa kung sino o ano talaga ako.
Kahit ano pa daw ang gawin ko:
magpaganda, magpatalino, magpakabait,
magpakaplastik o magpakayaman…
Wala na raw.
Tapos na ang laban.
Pinatalo ko na raw.
Wag na akong umasa.
Hindi na ako karapat dapat mahalin,
at wala ng magtiya-tiyaga sakin.
No comments:
Post a Comment